Special SC en banc session sa DQ case ni Poe itinakda na

supreme-courtMagsasagawa ng special en banc session ang Korte Suprema sa March 9 kaugnay sa kaso ni Senadora Grace Poe.

Itinakda ang nasabing petsa matapos mapagkasunduan ng mga mahistrado ang deadline ng pagsusumite ng kanilang mga separate opinion sa kaso sa March 8.

Sa special session isasapinal ng Supreme Court ang pagtalakay sa mga isyu sa kaso at posibleng pagbotohan sa nasabing petsa kung ididisqualify nila o hindi si Poe sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Kaugnay nito, una nang nihayag ni Comelec Chairman Andres Bautista na mananatili sa balota ang pangalan ni Poe bilang kandidato kahit ito pa ay tuluyang idiskwalipika ng Korte Suprema dahil malabo nang ulitin pa ang pag-iimprenta ng mga balota.

Idedeklara na lamang anya na stray vote ang boto para kay Poe sakaling hindi paborable ang desisyon ng Korte Suprema.

 

Read more...