Bagyong Igme, lumakas pa at isa nang tropical storm

By Angellic Jordan August 22, 2020 - 12:21 PM

Lumakas pa ang Bagyong Igme at isa nang ganap na tropical storm.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes dakong 10:00 ng umaga.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.

Ngunit, asahang makararanas ng intermittent gusts sa Batanes at Babuyan Islands dulot ng Southwest Monsoon na bahagyang pinalakas ng Bagyong Igme.

Iiral ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan bunsod ng Southwest Monsoon.

Sinabi ng weathet bureau na posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, Sabado ng gabi o Linggo ng madaling-araw.

Samantala, isa pang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 295 kilometers Silangan ng Davao City bandang 10:00 ng umaga.

Posibleng lumakas pa ang LPA at maging Tropical Depression sa susunod na 48 oras.

Bunsod nito, patuloy na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mindanao region.

TAGS: Bagyong Igme, breaking news, IgmePH, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, Tropical Storm Igme, weather update August 22, Bagyong Igme, breaking news, IgmePH, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, Tropical Storm Igme, weather update August 22

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.