Global death toll bunsod ng COVID-19, sumampa na sa 800,000
Pumalo na sa mahigit 800,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 803,200 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 179,200.
Sumunod na rito ang Brazil na may 113,454 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 59,610 naman ang death toll sa Mexico habang 55,928 ang napaulat na nasawi sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 41,405
– Italy – 35,427
– France – 30,503
– Spain – 28,838
– Peru – 27,245
– Iran – 20,376
– Colombia – 16,568
– Russia – 16,189
– South Africa – 12,843
– Chile – 10,723
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 23,117,813 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 15,709,677 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.