105 pang residente sa Western Visayas, tinamaan ng COVID-19

Nagpositibo ang 105 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 21, umakyat na sa 3,257 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,746 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

85.91 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

16 naman ang gumaling pa kaya 1,468 na ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Umabot naman na sa 53 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil matapos makapagtala ng tatlo pang pumanaw na mga pasyente.

 

 

 

Read more...