Suspek sa Maguindanao massacre case naaresto sa Misamis Oriental
Naaresto sa Tagoloan, Misamis Oriental ang isa sa mga suspek sa Maguindanao massacre.
Nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si Nasser Adam, 45 anyos ngayong araw ng Biyernes (Aug. 21).
Si Adam ay nagtatrabaho bilang security guard sa isang kumpanya sa Tagoloan.
Ayon sa CIDG regional office, kasama si Adam sa inisyuhan ng arrest warrant ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 noong July 21, 2010.
Gaya ng ibang suspek, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Adam.
Mayroon ding patong na P300,000 sa ulo si Adam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.