Quarantine pass, company ID kailangang ipakita para makapasok sa mga establisyimento sa QC
Kahit nasa general communitiy quarantine na lamang ang Metro Manila lilimitahan pa rin ang paggalaw ng mga residente sa Quezon City.
Ayon sa abiso ng Quezon City Local Government Unit, kailangan ng quarantine passes o company IDs bago mapayagang makapasok sa anumang establisyimento sa lungsod.
Kasama ito sa guidelines na inilabas ni QC Mayor Joy Belmonte.
Layon nitong matiyak na tanging ang mga kailangan lamang ng access sa essentials o papasok sa trabaho ang lalabas ng kanilang bahay.
“Kailangan nang magpakita ng quarantine pass o company ID bago payagang pumasok sa mga establisimyento sa ating siyudad. Ito’y upang matiyak na walang lalabas ng tahanan para lang gumala,” said Belmonte.
“Kung hindi naman kailangang lumabas, manatili na lang tayo sa loob ng ating mga tahanan upang maiwasan ang virus,” ani Belmonte.
Sakop ng kautusan ang mga commercial buildings, palengke at shopping centers.
Ang mga nagsasagawa ng non-contact at non-group outdoor exercises gaya ng pagtakbo, bicycling, tennis, badminton at golf, at kailangan ding mayroong quarantine pass.
Pinaalalahanan naman ni Belmonte ang mga barangay na pwede silang mag-isyu ng dalawang quarantine passes kada household.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.