Mga benepisyaryo ng 4Ps binalaan ng DSWD.

By Jan Escosio March 02, 2016 - 03:38 PM

dinkyrally
Inquirer file photo

Hindi magda-dalawang isip ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanggalin sa masterlist ng programa ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps na mapapatunayang isinasanla ang kanilang ATM o cash cards para makahiram lang ng pera sa mga nagpapautang.

Ang babala ay ginawa ni DSWD Sec. Dinky Soliman kasunod ng ulat na talamak ang pagsasanla sa mga lalawigan dahil sa minsan ay naaatraso ang cash grant sa mga benepisyaryo.

Gayunman, lahat ng benepisyaryo na gumagawa nito ay paiimbestigahan at kapag napatunayan babawiin ng DSWD ang kanilang cash cards at direkta na nilang kukunin sa tanggapan ng DSWD ang kanilang benepisyo at kapag inuulit ulit pa ang paglabag ay tuluyan nang aalisin ang kanilang pangalan sa opisyal na listahan ng mga benepisyaryo.

Mula Enero hanggang Agosto noong nakalipas na taon na umabot na sa kabuuang P27.15Billion pesos ang cash grant na ipinagkaloob ng DSWD sa mga eligible at compliant beneficiaries sa buong bansa.

Sa kabuuang halagang P13.23Billion pesos dito ay ibinayad para sa edukasyon at ang natirang P13.92Billion ay napunta sa health program.

TAGS: 4Ps, atm, dswd, soliman, 4Ps, atm, dswd, soliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.