BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas 182,365 na; higit 4,000 ang nadagdag
Mahigit 4,000 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (August 21), umabot na sa 182,365 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 64,906 ang aktibong kaso.
Sinabi ng DOH na 4,786 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.5 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 103 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 59 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,940 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 616 ang gumaling sa sakit kaya umakyat na sa 114,519 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.