Mga depektibong timbangan, colored lights nakumpiska sa mga talipapa sa Maynila

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Market Administration Office (MAO) sa mga talipapa sa Lungsod ng Maynila.

Sa isinagawang inspeksyon ng Weights and Measures team nakakumpiska sila ng 19 na depektibong weighing scale at 35 na colored lights sa Zamora at Altura talipapa.

Paalala ni MAO Director Zenaida Mapoy sa mga nagtitinda, huwag samantalahin ang kasalukuyang pandemya para manlamang ng kapwa Manilenyo.

Hinikayat naman ni Mapoy ang publiko na magtungo sa mga pampublikong pamilihan dahil calibrated ng MAO ang mlahat ng timbangan sa mga publicn market.

 

 

 

Read more...