Dalawa pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA
Mayroong dalawang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 21, umakyat na sa 9,975 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,373 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nanatili naman sa 5,869 ang bilang ng overseas Filipinos na naka-recover sa sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa 733 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Ang Middles East/Africa ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso na 6,927.
Sumunod ang Europe na mayroong 1,156 cases; ang Asia Pacific Region na may 1,100 cases at Americas na mayroong 792 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.