Cataingan, Masbate nakapagtala ng magnitude 4.1 na aftershock

(UPDATE) Itinaas sa magnitude 4.1 ang naunang naitalang magnitude 3.6 na pagyanig sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-4:01 hapon ng Biyernes (August 21)

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunof=d na intensities:
Intensity IV – Cataingan & Pio V. Corpuz, Masbate;
Intensity III – Maripipi, Biliran
Intensity I – Bulusan, Sorsogon;

Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II – Naval, Biliran
Intensity I – Masbate City; Ormoc City & Palo, Leyte

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol noong August 18 sa Cataingan, Masbate.

Naitala rin ang magnitude 3.6 at magnitude 3.0 na pagyanig kaninang alas-9:02 at alas-9:11 ng umaga.

 

 

 

 

Read more...