300 Overseas Filipinos dumating sa bansa galing Saudi Arabia
Mayroong 300 pang Overseas Filipinos ang dumating sa bansa.
Pawang galing ng Saudi Arabia ang mga umuwing Pinoy na lulan ng chartered flight ng pamahalaan.
“Amid the continuous global threat of COVID-19, the DFA remains steadfast in its daily repatriation efforts whenever and wherever possible,’ ayon sa DFA.
Sa mga susunod na araw ay magpapatuloy pa ang pagpapauwi sa mga OFWs na naapektuhan ng pandemic sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Isinailalim sa swab test ang mga bagong uwing Pinoy at mananatili sila sa quarantine facility ng gobyerno habang hinihintay ang resulta ng swab test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.