Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 3,927 na

Nadagdagan pa ng 73 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hapon ng Biyernes (August 21), kabuuang 3,927 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso ay mula sa Brgy. Bambang (1), Calzada-Tipas (1), Palingon-Tipas (1), Sta. Ana (4), Tuktukan (13), North Daang Hari (8), North Signal (6), Pinagsama (9), South Daang Hari (3), South Signal (21), Tanyag (2), at Upper Bicutan (7).

Ang Barangay Fort Bonifacio ang mayroong pinakamaraming kaso na umabot na sa 627.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:

– Bagumbayan – 297
– Bambang – 57
– Calzada – 73
– Hagonoy – 69
– Ibayo-Tipas – 69
– Ligid-Tipas – 61
– Lower Bicutan – 384
– New Lower Bicutan – 186
– Napindan – 24
– Palingon – 32
– San Miguel – 47
– Sta. Ana – 106
– Tuktukan – 78
– Ususan – 191
– Wawa – 39
– Central Bicutan – 117
– Central Signal – 109
– Katuparan – 57
– Maharlika Village – 33
– North Daang Hari -151
– North Signal – 146
– Pinagsama – 271
– South Daang Hari – 136
– South Signal – 143
– Tanyag – 72
– Upper Bicutan – 155
– Western Bicutan – 215

Nasa 3,057 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 40 na ang pumanaw.

Ang Taguig ay mayroon na lamang 830 na aktibong kaso.

Ang Taguig City ay nakapagsagawa na rin ng kabuuang 34,520 PCR tests sa pamamagitan ng SMART testing program sa tulong ng drive-thru testing, testing sa mga health center ng barangay, testing sa Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), at testing ng CEDSU.

 

 

 

Read more...