Indonesia niyanig ng magnitude 6.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang eastern Indonesia.

Naitala ng US Geological Survey ang pagyanig araw ng Biyernes (Aug. 21) sa South East Sulawesi.

Bagaman sa karagatan tumama ang sentro ng lindol hindi naman nagtaas ng tsunami warning.

Wala ring naitalang pinsala ayon sa Meteorology, Climatology, and Geophysical Agency ng Indonesia.

 

 

 

Read more...