3.3 milyong Pinoy walang trabaho ayon sa DOLE

Umabot na sa 3.3 million na mga Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic ng COVID-19.

Base ito sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang datos ng DOLE ay ibinase sa datos ng mga employers sa bansa.

Malayo ito sa naging resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na nagsasabing umabot na sa 27.3 million na Pinoy ang unemployed.

Ang survey ng SWS ay ginawa mula July 3 hanggang July 6, 2020.

Nakasaad sa resulta na tumaas sa 45.5 percent ang adult unemployment sa bansa.

 

 

 

 

 

Read more...