Mobile App laban sa mga magnanakaw ng CP, inilunsad

Inilunsad ngayon ng whistleblower na si Engr. Jun Lozada ang isang mobile application upang labanan ang pagnanakaw ng mga cellphone.
Ayon kay Lozada na siya ring Presidente at CEO ng Galileo Software Services Inc. tinawag nilang TARA o Theft Alarm and Recovery Application ang Mobile App.
Sinabi ni Lozada na 41 porsyento ng mga Filipino ang nananakawan ng mga cellphone at sa tulong ng TARA, ang may-ari ng cellphone na ‘android’ ay kailangan lamang mag-download ang TARA app sa google play at mag-register.
Nagkakahalaga ito ng P15 kada linggo o P50 kada buwan o P500 lamang sa bawat taon.
Kapag nanakaw anya ang cellphone, ang may-ari nito ay kailangan lamang i-type ang LOCK, mobile number at PIN saka i-send sa 5161 at kaagad made-detect kung nasaan ang cellphone nito kahit na walang wifi connection, internet data o load.
Kapag anya natanggap ng system ang text tutunog ang cellphone na tila sumisigaw ng “magnanakaw! magnanakaw!”
Sinabi ni Lozada na ginawa nila ang mobile app na ito upang matulungan ang mga Filipino na nawawalan na ng pag-asa kapag nawalan o naagawan ng cellphone at nagiging bahagi na ng buhay ng mga Pinoy.
Sa ngayon, available pa lamang ito sa mga smart, sun at talk and text subscribers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.