Pagsusuot ng face shield mandatory na rin sa mga mall at iba pang enclosed spaces
By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 01:35 PM
Mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield sa mga commercial establishment gaya ng malls.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maliban sa mga pampublikong sasakyan, mandatory na rin ang pagsusuot ng face shield kapag nasa mga enclosed spaces.
Batay sa pag-aaral, sinabi ng Department of Health na napapababa ang banta ng COVID-19 ng hanggang 99 percent kapag naka face mask at naka face shield.
Paalala ng pamahalaan hanggang P50 lamang ang suggested retail price para sa face shield.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.