LOOK: Regular na paglilinis sa MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 12:59 PM

Regular ang ginagawang paglilinis at pag-disinfect sa mga platform area, mga elevator at escalator at mga pampublikong pampalikuran sa loob ng mga istasyon ng MRT-3.

Ito ay para mapanatiling malinis at ligtas ang mga pasahero kontra sa COVID-19.

Kasabay nito ang ginagawang ‘five-minute disinfection hustle sa tuwing darating ang mga tren sa North Avenue station at Taft Avenue station upang mapanatiling malinis ang mga bagon kapag bumabiyahe ito sa linya.

Pagtitiyak ng pamunuan ng MRT-3 ginagawa ang lahat upang masiguro na ang mga pasahero ay ligtas sa tuwing sasakay ng mga tren sa kabila ng banta ng COVID-19.

 

 

TAGS: COVID, disinfection, MRT, pandemic, COVID, disinfection, MRT, pandemic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.