Global death toll sa COVID-19 mahigit 797,000 na

Sumampa na sa mahigit 796,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 797,105 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 177,424.

Sumampa naman na sa mahigit 112,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 59,106.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 112,423
Mexico – 57,774
India – 54,975
UK – 41,403
Italy – 35,418
France – 30,480
Spain – 28,813
Peru – 27,034
Iran – 20,264

Sumampa naman na sa mahigit 15.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.5 million pa ang aktibong kaso.

 

Read more...