DOTr, LTFRB nakapag-deploy na ng mga bus sa EDSA na sa kaliwa ang pintuan

Nakapag-deploy na ng mga bus sa EDSA na ang pintuan ay inilipat sa kaliwa.

Ito ay para sa pagbiyahe ng mga bus sa ilalim ng EDSA Busway System.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nagsimula nang magpabiyahe ng mga bus units na nasa kaliwa ang pintuan ang Mega Manila Consortium.

Tatlo sa mga bus ay unit ng HM Transport Inc., na mayroong pintuan sa kaliwa at kanan.

Sa Setyembre, 7 bus units na mayroong parehong configuration ang bibiyahe.

Sa susunod na linggo naman, magpapabiyahe na rin ng ganitong bus units ang RRCG.

Read more...