Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:14 ng umaga ngayong Biyernes (Aug. 21), katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Bulacan, Laguna at Quezon sa susunod na dalawang oras.
Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Cavite, st sa mga bayan ng Cainta at Taytay sa Rizal.
Paalala ng PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Maari din itong magdulot ng landsides sa bulubunduking lugar.
MOST READ
LATEST STORIES