Cataingan, Masbate nakapagtala ng magnitude 3.6 at magnitude 3.0 na lindol
Dalawang may kalakasang pagyanig ang muling naitala sa lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.6 na pagyanig sa 13 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-9:02 umaga ng Biyernes (August 21) at may lalim na 11 kilometers.
Naitala rin ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 8 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-9:11 ng umaga at may lalim na 18 kilometers.
Ito ay aftershock ng naganap na magnitude 6.6 na pagyanig sa Cataingan, Masbate noong August 18.
Samantala, naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 23 kilometers southwest ng Claveria, Masbate, alas-9:53 ng umaga at may lalim na 8 kilometers.
Naitala ang intensity 3 sa Masbate City.
Nakapagtala rin ang pagyanig ng sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – Masbate City
Intensity I – Naval, Biliran
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.