1 patay, 3 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 09:19 AM

Patay ang isang high-value target habang arestado ang tatlong iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7) at Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa Cebu City.

Sa ulat ng Cebu Daily News, ginawa ang operasyon sa Barangay Luz at Barangay Hipodromo kung saan aabot sa P7,140,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu.

Kinilala ang napatay na suspek na si Rosio Juablar Jr., na nasawi matapos manlaban sa mga tauhan ng PDEA na sumalakay sa kaniyang bahay sa Sitio Lubi.

Nakuha sa bahay ni Juablar ang 50 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P340,000 ang halaga.

Isang oras ang nakalipas, naaresto naman ng mga tauhan ng PNP – DEG ang mag-asawang high-value target sa Barangay Hipodromo kasama ang isa pa nilang kasabwat.

Nakumpiska sa kanila ang P6,800,000 na halaga ng shabu.

Kinilala ang tatlo na sina Wilfredo Mendoza Flores, 40; Almera Batequin Flores, 41, at Rabe Borces Allego.

Nakakulong ang tatlo sa Mabolo Police station at nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act.

 

 

 

 

TAGS: drug operations, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, PNP-DEG, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, drug operations, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, PNP-DEG, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.