51 tindahan sa Baguio City nahuling nagbebenta ng overpriced na face shield
Limampu’t isang tindahan sa Baguio City ang nahuling nagbebenta ng face shield na lagpas sa itinakdang suggested retail price.
Nagsagawa ng inspeksyon ang composite team sa pangunguna ng Department of Health-Cordillera (DOH-CAR), Department of Industry – Cordillera at Permits and Licensing Division ng City Mayor’s Office.
Sa 130 establisyimento na naisailalim sa inspeksyon, 51 ang nakitang lumabag sa SRP sa face shield.
Una nang iniutos ni Mayor Benjamin Magalong ang crackdown sa mga nananamantala sa presyo ng face shield.
Ang mga nakitang lumabag ay inisyuhan ng letters of inquiry (LOI) at inatasang magsumite ng explanation letter.
Kung magpapatuloy sa paglabag ay iisyuhan na sila ng notice of violation (NOV) na may karampatang parusa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.