Rockfall event naitala sa Mt. Mayon
Nakapagtala ng isang rockfall event ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong Biyernes (Aug. 21), nagbuga din ang Mayon ng kulay puting steam-laden plumes.
Noong July 23 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 222 tonnes per day ang average.
Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.