Importer ng beauty products na tumawag sa Manila bilang “Province of P.R. China” pinaiimbestigahan sa NBI
Hiniling ng Manila City government sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang Elegant Fumes Beauty Products Inc. o EFBPI.
Ipinatigil ng Manila City LGU ang operasyon ng nasabing kumpanya na nasa San Nicolas, Maynila matapos makita ang produktong inangkat nito na mayroong nakasulat na “Manila Province of P.R. China” sa packaging.
Ang naturang label ay nakasulat sa packaging ng “Ashley Keratin Treatment Deep Repair” na inangkat ng EFBPI.
Sa liham ni Manila Mayor Isko Moreno kay NBI Dir. Eric Distor, hiniling nito sa NBI na imbestigahan ang naturang kumpanya at maghain ng criminal complaints laban dito.
Una nang hiniling din ni Moreno sa Bureau of Immigration na maipa-deport ang dalawang Chinese na nagmamay-ari ng kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.