Eastern Visayas nakapagtala ng 97 na bagong kaso ng COVID-19; highest record sa daily cases ng rehiyon

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 06:28 AM

Nakapagtala ng 97 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Ito na ang pinakamataas na naitala sa daily cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,918 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,224 ang mga gumaling sa sakit at 685 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Leyte at Samar.

Mahigit 30 sa mga bagong nagpositibo ay pawang healthcare worker.

Marami din sa mga bagong nagpositibo ay locally stranded individuals na umuwi sa rehiyon galing ng Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cebu at Mandaue.

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, eastern visayas, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, eastern visayas, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.