Mahigit 23.5M na mga mag-aaral nakapag-enroll na para sa SY 2020-20201

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 06:15 AM

Umabot na sa mahigit 23.5 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.

Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) na nakalap ng Radyo INQUIRER, 23,548,214 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.

Sa nasabing bilang 21,760,794 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.

1.74 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.

Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,448,961.

May nagpa-enroll din na 7,419,059 para sa junior high school habang 2,612,786 sa senior high school.

Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.

 

 

 

TAGS: deped, number of enrollees, sy 2020-2021, deped, number of enrollees, sy 2020-2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.