Metro Manila, ilang kalapit na lalawigan makararanas ng pag-ulan
Apektado ng pag-ulan dulot ng Habagat at Low Pressure Area ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA na nakalap ng Radyo INQUIRER alas 5:00 ng umaga ngayong Bieyrnes (Aug. 21), mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Cavite sa susund na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Bulacan, Pampanga, Zambales at Bataan.
Paalala ng PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.