78 pang residente sa Western Visayas, tinamaan ng COVID-19

Nagpositibo ang 78 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 20, umakyat na sa 3,152 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,660 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 86.27 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

52 naman ang gumaling pa kaya 1,442 na ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Umabot naman sa 50 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...