12 senatoriables pasok sa senatorial survey ng isang public relations group

FB Photo / Pulso ng Pilipino
FB Photo / Pulso ng Pilipino

Labingdalawang tumatakbong senador para sa May 2016 elections ang nanguna sa isinagawang non-commissioned survey ng isang public relations group na “Pulso ng Pipilino”.

Isinagawa ang survey noong February 18 hanggang 24, 2016 ng Issues and Advocacy Center na may titulong “Pulso ng Pilipino”.

Sa nasabing survey nanguna si Senator Tito Sotto na mayroong 52% na shares, pumangalawa si dating Senator Panfilo Lacson na nakakuha ng 51% shares, ikatlo at ikaapat sina Senator Ralph Recto at dating Senador Migz Zubiri na kapwa nakakuha ng 46%.

Kapwa naman nakakuha ng 43% na shares sina Senate President Franklin Drilonat dating Senador Kiko Pangilinan na nasa panglima at panganim na pwesto.

Habang 39% naman ang nakuha nina Senator Serge Osmeña at dating Senador Dick Gordon sa ikapito at ikawalong pwesto.

Pangsiyam si Rep. Manny Pacquiao na may 36% shares, nasa pang-sampung pwesto si Justice Sec. Leila De Lima na may 35% shares, pang-labingisa naman si dating Rep. Risa Hontiveros na nakakuha ng 33% at pang-labing dalawa si dating MMDA Chairman Francis Tolentino na mayroong 31% shares.

Read more...