Nadagdagan pa ng 55 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (August 20), 3,153 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
751 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,546 ang suspected cases.
25 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,283 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa namang pulis ang nasawi dahil pa rin sa COVID-19.
Bunsod nito. umakyat na sa 15 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.