Ayon kay Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP, malinaw naman desperado ang mga pulis para bigyang katuwiran ang pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 29.
Sa pagdinig sa Senado, araw ng Miyerkules (August 19), magugunita na iprinisinta ni Police Brig. Gen. Manuel Abu, director ng BARMM Regional Police, ang isang ‘drug matrix’ kung saan kasama si Cpl. Abdal Asula, isa sa mga napatay na Army intelligence operatives.
Diin ni Arevalo, malinaw sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation o NBI sa insidente, base sa mga nakasaksi sa pangyayari, sadyang pinatay ang apat na sundalo.
Nakikita nito na may pagtatangka sa bahagi ng mga pulis na mag-imbento ng kung anu-anong kuwento para bigyang katuwiran ang kanilang ginawa.
Bukod kay Asula, napatay din sa insidente sina Army Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod at Sgt. Jaime Velasco.