Drug link sa isa sa ‘Sulu 4 rubout’ victims, pampagulo – AFP

By Jan Escosio August 20, 2020 - 06:48 PM

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines o AFP na pampagulo sa karumal-dumal na pagpatay sa apat nilang mga tauhan sa Jolo, Sulu ang pinalutang na anggulo ng Philippine National Police o PNP na ang isa sa mga biktimang sundalo ay sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP, malinaw naman desperado ang mga pulis para bigyang katuwiran ang pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 29.

Sa pagdinig sa Senado, araw ng Miyerkules (August 19), magugunita na iprinisinta ni Police Brig. Gen. Manuel Abu, director ng BARMM Regional Police, ang isang ‘drug matrix’ kung saan kasama si Cpl. Abdal Asula, isa sa mga napatay na Army intelligence operatives.

Diin ni Arevalo, malinaw sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation o NBI sa insidente, base sa mga nakasaksi sa pangyayari, sadyang pinatay ang apat na sundalo.

Nakikita nito na may pagtatangka sa bahagi ng mga pulis na mag-imbento ng kung anu-anong kuwento para bigyang katuwiran ang kanilang ginawa.

Bukod kay Asula, napatay din sa insidente sina Army Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod at Sgt. Jaime Velasco.

TAGS: AFP, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, Radyo Inquirer news, Sulu 4 rubout, AFP, Inquirer News, Maj. Gen. Edgard Arevalo, Radyo Inquirer news, Sulu 4 rubout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.