Apat pumuga sa kulungan ng pulisya sa Zamboanga del Norte
Sinamantala ng apat na detenido sa Roxas, Zamboanga del Norte ang malakas na buhos ng ulan para tumakas.
Ayon kay Region 9 police director, Brig. Gen. Jesus Cambay Jr., gumamit ang mga pugante ng kuwerdas ng gitara para malagari ang mga rehas na bakal ng kanilang selda sa istasyon ng pulisya.
Kinilala naman ang mga tumakas na sina Welly Celino Catoy, 23-anyos; Robert Quinicar Quinto, 46-anyos; Wilfredo Antiquino Espelita, 19-anyos, at Roger Barillo Feras.
Nahaharap sila sa mga kaso ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; possession of illegal drugs; at attempted homicide.
Nagsasagawa na ang pulisya ng manhunt operations laban sa apat para sila ay maibalik sa kulungan at maharap sa mga karagdagang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.