Apat na establisyimento na nagbebenta ng beauty products na may nakalagay na probinsya ng China ang Maynila, ipinasara
Ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno ang apat na establisyimento sa loob ng isang mall sa Binondo.
Ito ay dahil nagbebenta ang mga establisyimento ng beauty products kung saan nakalagay na ang Maynila ay “Province of China.”
Sa Facebook live sa account mismo ng alkalde, sinabi ni Levi Facundo, pinuno ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa lungsod, na hahanapan ng permits ang apat na stalls at ire-revoke ito.
Aalamin din aniya kung accredited ng Food and Drug Administration (FDA) ang produkto.
Dagdag pa nito, malaking insulto ang nakalagay sa produkto.
“Ang Binondo po ay nasa Maynila, wala po sa Republic of China. Hindi tayo papayag na ganyan ang mangyari. Malaking insulto po ‘yan,” ani Facundo.
Patuloy din aniya silang magsasagawa ng inspeksyon sa iba pang establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.