BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 178,022 na; Higit 4,000 ang nadagdag
Mahigit 4,00 muli ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 20), umabot na sa 178,022 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 61,025 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,339 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.9 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 100 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 88 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,883 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 727 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 114,114 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.