May nakatakdang public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa araw ng Lunes, August 24.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Davao lamang ngayon ang Pangulo.
Bagamat nasa Davao, hindi bakasyon kundi trabaho pa rin ang ginagawa ng Pangulo.
Tambak aniya ang mga dokumento na kailangang pag-aralan at pirmahan ng Pangulo.
“I can assure you that there will be another address on Monday. The reason why he stays, sabi naman niya umiiwas sa COVID. Pero patuloy ang trabaho ng Presidente,” pahayag ni Roque.
August 3 nang umuwi ng Davao si Pangulong Duterte at hindi pa bumabalik sa Malakanyang.
“Alam ko po kapag kami ay umaalis ng Maynila gabundok po na dokumento ang dala-dala namin para kay Presidente. So, wala pong tigil naman ang trabaho ng ating Presidente. I can assure you sa appointments lang po, gabundok na po ‘yan. So I’m sure, ang Presidente po kasi dating mayor, iniisa-isa po niya ‘yan bago pinipirmahan,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.