Ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan August 20, 2020 - 01:48 PM

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:20 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Pampanga, Quezon at Rizal.

Kaparehong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Metro Manila, Cavite, Zambales at Bataan.

Uulanin din ang Meycauayan, Bulacan; San Pedro, Biñan, Santa Rosa sa Laguna; Tuy, Batangas; San Clemente at Mayantoc, Tarlac.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update August 20, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update August 20

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.