Bayanihan 2 aprubado na ng bicameral conference committee
Nakalusot na sa bicameral conference committee ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Kinumpirma ito ni Senator Sonny Angara.
Ayon kay Angara, P140 billion ang inaprubahang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 na mayroong allotments para sa iba pang programa ng gobyerno uang matulungan ang mga naapektuhan ng pandemic.
May dagdag ding P25 billion bilang standby appropriations.
Sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na kasama sa inaprubahang ng BiCam ang P10,000 special risk allowance sa health workers.
Mayroon ding P15,000 na sickness benefit kung ang health workers ay magkakaroon ng COVID-19 infection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.