Isa na namang NGCP tower, binomba sa North Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2016 - 10:14 AM

File Photo
File Photo

Isa na namang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pinasabog sa North Cotabato na nagdulot ng brownout sa mga bahagi ng North Cotabato, Cotabato City at Maguindanao.

Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, inatake ng mga armadong lalaki ang NGCP Tower 63 sa Kabacan-Sultan Kudarat 138kV line sa Brgy. Pagangan, Aleosan, Cotabato alas 12:10 ng madaling araw na nagdulot ng matinding pinsala dalawang tower pillars.

Na-rekober din ng mga otoridad ang isa pang Improvised Explosive Device (IED) na hindi sumabog sa isa pang bahagi ng tower.

Sinabi ni Tayong na ang kapitan ng barangay sa lugar ang tumawag sa pulisya para ipabatid ang insidente.

Hindi naman bumagsak ang tower dahil sa pagsabog, pero nagdulot ito ng pag-fluctuate ng kuryente sa mga sinusuplayang lugar.

Ani Tayong, ito na ang ikalawang pag-atake sa nasabing Tower sa Barangay Pagangan ngayon taon.

Noong January 14, pinasabog din ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasabing tower.

TAGS: NGCP tower in Cotabato bombed, NGCP tower in Cotabato bombed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.