Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorms ang ilang mga lalawigan sa Central Luzon at Southern Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Huwebes (Aug. 20) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Zambales, Bataan, Laguna, Batangas at Quezon.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Tagaytay, Amadeo, Mendez, Silang at Indang sa Cavite.

Payo ng PAGASA sa mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

 

 

 

 

Read more...