LOOK: Mga tsuper at operator nag-martsa patungong LTFRB’ balik-pasada inihirit
Humirit ng balik-pasada sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupo ng mga tsuper at operator ng jeep.
Sa pangunguna ng grupong PISTON, nagmartsa ang mga driver at operator Huwebes (August 20) ng umaga patungo sa LTFRB Office sa Quezon City.
Sinamahan din sila ng iba pang grupo ng mga kabataan sa ginawang protesta kabilang ang Kabataan Partylist at College Education Guild of the Philippines (CEGP).
Ayons a PISTON, kahit nagdadgag ng 60 ruta ang LTFRB para sa mga tradisyunal na jeep ay napakaliit pa rin nito kung ikukumpara sa tunay na bilang ng mga bumibiyaheng jeep sa Metro Manila.
Bitbit ng mga driver ang mga streamer at placard na umaapela ng ayuda mula sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.