Pagsusumite ng application documents sa mga bakanteng posisyon sa CA, CTA at Sandiganbayan pinalawig ng JBC

By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2020 - 10:23 AM

Pinalawig pa ng Judicial and Bar Coucil ang deadline sa pagsusumite ng application documents para sa mga bakanteng pwesto sa Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at Legal Education Board.

Sa abiso ng JBC na nakalap ng Radyo Inquirer, extended ang deadline hanggang sa September 25, 2020.

Ang CA ay mayroong 6 na bakanteng pwesto para sa pagka-Associate Justice.

Isang AJ naman ang kailangan sa Sandiganbayan.

Habang ang CTA ay nangangailangan ng 2 AJ.

Chairperson at 3 Regular Members naman ang kailangang punan sa Legal Education Board.

Paalala ng JBC kailangang i-access ang online application scheduler hanggang August 25 para magparehistro at pumili ng petsa kung kailan isusumite ang mga kailangang dokumento.

 

 

 

 

 

TAGS: court of appeals, court of tax appeals, Inquirer News, JBC, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Tagalog breaking news, tagalog news website, court of appeals, court of tax appeals, Inquirer News, JBC, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.