Bilang ng mga nasugatan sa M6.6 na lindol sa Masbate umakyat na sa 51

Umakyat na sa 51 ang bilang ng mga nasugatan sa tumamang magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate.

Sa impormasyong nakuha ng Radyo Inquirer mula sa datos ng Office of Civil Defense V, karamihan sa mga nasugatan ay mula sa mga bayan ng Palanas, Pio V Corpuz, at Uson.

Nananatili namang isa ang nasawi na si retired Police Colonel Gilbert Sauro matapos mabagsakan ng gumuhong bahay sa Cataingan.

Kahapon ay nagsagawa ng aerial survey ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bicol para makita ang pinsala ng pagyanig.

Maliban sa mga nasirang bahay, may mga eskwelahan ding napinsala ng pagyanig.

 

Read more...