Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 18,000 na
Sumampa na sa mahigit 18,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 69 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,055 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,052 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,053 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 495 dahilan para umabot na sa 13,950 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,419 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 2,362
– Talisay City – 828
– Minglanilla – 469
– Consolacion – 455
Mandaue City – 2,156
Lapu-Lapu City – 2,112
Negros Oriental – 120
Bohol – 131
Siquijor – 3
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.