Mahigit 37,000 na pasahero naserbisyuhan sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng MRT-3
By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2020 - 07:02 AM
Umabot sa mahigit 37,000 na mga pasahero ang naserbisyuhan sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng MRT-3 kahapon.
Sa daily perations report ng DOTr MRT-3 umabot sa 37,129 na pasahero ang sumakay sa tren.
17 tren ang napabiyahe sa maghapon na kinabibilangan ng 15 CKD train sets at 2 Dalian train sets.
Wala namang naitalang unloading incident sa unang araw ng pagbabalik biyahe ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.