LPA sa Camarines Norte maliit pa rin ang tsansang maging bagyo – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2020 - 05:36 AM

Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA at ang Habagat.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 30 kilometers North ng Daet, Camarines Norte.

Apektado naman ng Habagat ang western section ng buong bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw dahil sa LPA ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, CALABARZON at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang MIMAROPA naman Western at Central Visayas at Zamboanga Peninsula ay maaring makaranas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Habagat.

Sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao, localized thunderstorms lamang ang iiral.

Ayon sa PAGASA hanggang bukas ay makararanas ng pag-ulan sa bansa dahil sa LPA.

Sa Sabado at Linggo naman inaasahan ag mas maganda nang lagay ng panahon.

 

 

 

TAGS: daet camarines norte, Pagasa, weather, daet camarines norte, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.