Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna umabot na sa 2,464

Nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Miyerkules, August 19, 3PM), 2,464 ang naitalang bilang ng active cases sa lalawigan mas mataas sa 2,431 na bilang noong Martes.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
Santa Rosa – 580
Calamba – 678
Biñan – 396
San Pedro – 310
Cabuyao – 176
San Pablo – 73
Los Baños – 35
Santa Cruz – 24
Bay – 26
Calauan – 21
Alaminos – 24
Nagcarlan – 13
Pila – 14
Lumban – 12
Victoria – 2
Liliw – 18
Pagsanjan – 6
Majayjay – 9
Cavinti – 12
Pakil – 8
Siniloan – 3
Pangil – 10
Kalayaan – 3
Santa Maria – 5
Luisiana – 2
Mabitac – 1
Rizal – 2
Famy – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 147 na.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 3,092.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 5,703.

Samantala, nasa 3,748 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

Read more...