Pag-alis sa ‘barrier policy’ mabuti naman – Sen. Recto

Ikinatuwa ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at binawi na ang ‘barrier policy’ na pinagtawanan nang husto sa social media, lalo na ng motorcycle riders.

Sinabi ni Recto na sa kanyang pagkaka-alam, ang polisiya ng Inter-Agency Task Force, ang nakatanggap din ng pinakamaraming pagbatikos sa kabila nang pagdepensa at pangangatuwiran ng mga nagpatupad nito.

“People were saying that if IATF can’t understand this simple thing, how can they be trusted on complex missions,” sabi pa ng senador, na isa mga kumuwestiyon sa dapat na pagkakaroon ng ‘barrier’ sa pagitan ng rider at angkas nito sa motorsiklo.

Magugunita na ipinagpilitan ng IATF na dagdag proteksyon sa rider at angkas nito ang ‘barrier,’ ngunit ayon naman sa mga nagmo-motorsiklo takaw-aksidente at delikado pa ito.

Kaugnay naman sa disenyo ng Angkas ng barrier, iginiit ni Recto na hindi dapat magkaroon ng monopolya sa produksyon at pagbebenta ng kanilang barrier.

Diin ni Recto, dapat ay ibahagi sa publiko ang disenyo at bahala na sila ang gumawa.

Read more...